1,161

Feb 12, 2020 @ 11:21
By

TINGNAN: GMA celebs suportado ang ABS-CBN franchise renewal

Sinuportahan ng GMA-7 artists ang rival company ABS-CBN, sa kasagsagan ng laban ng huli para sa pag-renew ng prangkisa nito.

“In the end, we are all family,” ang pahayag ni Kapuso star Eugene Domingo, kalakip ang ABS-CBN logo sa Instagram post.

Matagal ding naging Kapamilya si Aiko Melendez bago maging Kapuso, kaya hangad niyang maging “maayos ang kanilang franchise dahil sa huli lahat tayo ay nasa iisang industry. Tayo ay magkapuso at magkapamilya.”

Sa isang thread naman sa Twitter, Pebrero 11, hinayag ni Dingdong Dantes na “magkaiba man ng bakod,” may iisang pagmamahal silang inilalaan para sa media industry, na tinutulungan ang buhay ng ilang milyong Pilipino.

Dinasal din ni Dantes na sana mamayani ang “true interests of the people, under the rule of law” laban sa anumang political agenda.

Sinegundahan siya ni Kapuso actress Jasmine Curtis.

Sabi naman ni Paolo Valenciano, panganay ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano, “Iā€™m Kapuso but I support ABSCBN.”

Tumindig din sa panig ng ABS-CBN ang GMA news journalist na si JP Soriano, at nanawagan ng “defend press freedom.”

Lunes ng umaga, Pebrero 10, 2020, nang maghain si Solicitor General Jose Calida sa Korte Suprema ng isang “very urgent omnibus motion” para ipawalang-bisa na ang prangkisa ng ABS-CBN, na umano’y nagsasagawa ng “abusive practices” at lumabas sa mga patakaran sa prangkisa.

Matatapos ang prangkisa ng ABS-CBN sa Marso 30, 2020, at nakabinbin pa rin sa ngayon ang mga panukalang batas sa pag-renew ng prangkisa ng TV network.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?