54

By

Tingnan: Game-winner ni Gay vs Phoenix

Tila sinukat ng veteran forward na si Rudy Gay ang pampanalong jumper para itarak ang 126-124 win ng San Antonio kontra sa Phoenix Suns.

Tangan ni Gay ang bola, sa huling limang segundo ay umatake na para lansihin ang dalawang Suns defender.

Nagtungo sa left wing at kahit pa nakadepensang maigi si Kelly Oubre Jr. ay nagawa pa rin nitong maibuslo ang pampanalong bucket.

Tumapos ng may 16 points at tiglimang rebounds at assists si Gay, nanguna naman si LaMarcus Aldridge na may 29 points at 14 rebounds.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?