550

Mar 18, 2019 @ 17:41
By

Tingnan: Duterte kumain ng pandesal, nagkape sa paborito niyang bakery sa Davao

Umani ng mga papuri ang pagiging simple ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos kumain ng agahan sa paborito umano niyang bakery sa Davao City.

Sa mga larawan na ibinahagi ni dating Special Assistant to the President Bong Go, makikita ang pagkain ng pandesal at pagkakape ng Pangulo.

“Mahilig din ako liverspread,,, mr.President. Parehas tyo,” sabi ng netizen na si Almond Marie.

“Napakasimpleng tao talaga penge po fave ko po yan liver spread,” sabi naman ni Chato Arriola.

“Simple lang ang atong mahl.ba na presidents mabuhay tatay digong,” reaksiyon naman ni Froilan Earl Flores Sr.

Inilabas ni Go ang mga larawan para patunayan na walang anumang problema sa kalusugan ang Pangulo matapos nitong hindi siputin ang dalawang magkasunod na araw na aktibidad nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?