2

Oct 26, 2020 @ 12:41

TINGNAN: DOLE, nagpamahagi ng libreng bisikleta

Nagpamigay ang DOLE ng 850 bisikleta sa mga nawalan ng trabaho dahil sa pandemya dito sa NCR. Kasama rin sa mga ipinamigay ang thermal bag, water bottle, kapote, cellphone at Php5,000 na load. Magagamit umano ito para makasali sa food delivery service ang mga nawalan ng trabaho.
Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?