6

Oct 9, 2020 @ 13:48

TINGNAN: Demolisyon sa Binondo, 50 pamilya nawalan ng tirahan

Palaisipan ngayon kung saan lilipat ang hindi bababa sa 50 pamilya na mawawalan ng tirahan dahil sa demolisyon ng isang condemned residential building sa kanto ng Lavezares at Barcelona sa Binondo, Maynila nitong Biyernes, Oct. 9. Kusang naghakot ang mga residente ng kanilang mga gamit at naging mapayapa naman ang sitwasyon, ayon sa Manila Police District.
Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?