272

By

Tingnan: Black carpet premiere ng ‘Isa Pa With Feelings’

Nitong October 15 ginanap ang black carpet premiere ng “Isa Pa With Feelings” nina Maine Mendoza at Carlo Aquino sa SM Megamall.

Binigyan ito ng Grade A ng Cinema Evaluation Board na kinatuwa naman ni Maine at ng Black Sheep.

“AAAAAAAAAAbot langit ang pasasalamat namin dahil ang #IsaPaWithFeelings ay Graded A by the Cinema Evaluation Board! See you in cinemas this October 16, 2019!” sabi sa tweet ng Black Sheep na ni-retweet ni Maine.

Nagbahagi rin ang Black Sheep at mga netizen ng ilang kaganapan sa black carpet premiere ng “Isa Pa With Feelings” nitong Martes.

Kabilang sa dumalo sa premiere ang pamilya ni Maine at mga kaibigan.

Maging sina Vic Sotto, Pauleen Luna at Ruby Rodriguez ay full support din kay Maine at Carlo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?