406
Tingnan: Baby girl nina Troy at Aubrey bininyagan na
By

Tingnan: Baby girl nina Troy at Aubrey bininyagan na

Bininyagan na ang anak na babae nina Troy Montero at Aubrey Miles na si Rocket Miller.

Ibinahagi ni Aubrey sa kanyang Instagram ang ilang kaganap sa naturang binyag sa isang Catholic Church.

“What a very special day for us. An intimate gathering of rocket’s ninong and ninang and a few relatives. I would like to thank everyone who joined us and those who helped us make it happen,” sabi ni Aubrey sa caption.

“Children are gift from the lord, They are a reward from him,” sabi pa ni Aubrey.

May dalawa nang anak sina Aubrey at Troy, sina Hunter Cody at Rocket Miller.

Isinilang si baby Rocket noong December 14, 2018.

Mayroon nang anak si Aubrey sa dati nitong boyfriend na si JP Obligacion, si John Maurie Sandel Obligacion.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?