431

By

Tingin ko lahat ng Pinoy malibog – Tony Labrusca

Sharing is caring!

Trending ang naging laplapan nina Tony Labrusca at Angel Aquino para sa trailer ng pelikulang ‘Glorious’.

At sa tingin ng lead actor na si Tony, ito ay dahil nature na aniya ng mga Pinoy ang makakita ng maeelyang bagay.

Hindi rin umano unusual ang kanilang naging eksena at para sa kanya ay normal lang ito.

“Feeling ko lahat ng Filipino actually malibog so normal ‘yun,” ayon ni Labrusca sa matinding ngusuan nila ni Angel sa report ng ABS-CBN. “I don’t think it’s intense, I think it’s normal. Everybody does that.”

Umabot na sa 11 million views ang nasabing trailer na tungkol sa May-December affair ng dalawang couple.

Lalabas na ang Glorious para sa online ng iWant sa Nobyembre 17.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?