By

Tinedyer patay, 2 pa sugatan sa ‘deadly package’ sa Texas

Sharing is caring!

Ginimbal ng pagsabog ng dalawang package ang Austin, Texas nitong Lunes.

Nangyari ito kasabay ng pagbisita ng libong katao sa South by Southwest entertainment at media festival.

Namatay ang isang 17-anyos matapos dalhin sa kanilang bahay ang package at buksan ito, habang sugatan ang babaeng nakatira rin sa naturang tahanan.

Samantala, kritikal naman ang kondisyon ngayon ng isang matandang babae matapos masugatan nang kunin ang ikalawang package sa harap ng bahay niya, ayon sa pulisya.

Ang kambal na pagsabog ay kasunod ng nangyari ring pagsambulat ng parcel bomb noong Marso 2 kung saan namatay ang isang 39-anyos na lalaki.

Nagpalabas na ng US$15,000 reward ang Texas governor’s office para sa makapagbibigay ng impormasyon hinggil sa salarin o mga salarin sa insidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,