62

Oct 15, 2017 @ 16:54

Tindig Pilipinas, power grabbers! – Mayor Sara

Binuweltahan ni Davao City Mayor Sara Duterte ang grupong  Tindig Pilipinas bilang pagtatanggol sa kanyang amang si Pangulong Rodrigo Duterte matapos tawaging “paranoid at insecure” ng grupo.

Sa kanyang ipinalabas na pahayag mula sa Davao City, sinabi ng alkalde na  lumabas agad ang tunay na kulay  at intensiyon ng mga  gutom sa kapangyarihan  matapos  agad tumutol sa bantang revolutionary government.

“Power grabbers have made their point, made their presence felt, caught our attention, and we know who they are,” pahayag ni Mayor Sara.

Binigyang-diin pa ng anak ng Presidente na ang  bantang destabilisasyon ay walang pinag-iba sa terorismo.

Kasabay nito, mistulang tinaasan lang ng kilay ng alkalde ang  pahayag ng grupo na “insecure” umano si Pangulong Duterte.

Wala aniyang dahilan para ma-insecure ang kanyang ama dahil siya ang Presidente, at hindi aniya ikaka-insecure ang mga resulta ng survey o ng isang senador tulad ni Sen. Antonio Trillanes o ng Tindig Pilipinas.

“How can he be insecure when he is the President? When you are the President, there is nothing that will make you feel insecure- not a survey result or a person like Trillanes or a power-hungry group called Tindig Pilipinas,” sabi pa ng alkalde.

Kasabay nito,  itinanggi ng presidential daughter na “paranoid” ang kanyang ama dahil ang isyu ng destabilization ay mula lahat  sa mga mapagkatiwalaang impormante na nakatanim sa bawat tanggapan ng mga taong markado sa oposisyon. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?