80

By

Tindig Pilipinas ieendorso sina Bam Aquino, Alejano, 3 pa

Sharing is caring!

Pambato ng kowalisyon na Tindig Pilipinas ang ilang kilalang oposisyon para sa senatorial election sa 2019.

Ito ay sina Free Legal Assistance Group President Jose Manuel ‘Chel; Diokno, dating miyembro ng Bangsamoro Transition Council Samira Gutoc, Magdalo Rep. Gary Alejano at Liberal Party bets Bam Aquino at Lorenzo ‘Erin’ Tañada III.

“Wala kaming duda sa kanila, ipaglalaban nila tayo, sila ang mandirigma ng bayan, ang mandirigma para sa kasarinlan, ang mandirigma para sa sama-samang pag-unlad,” ayon kay dating Social Welfare Secretary Dinky Soliman.

Hindi naman umano nababahala ang lima kahit pa nasa dulo ang kanilang mga pangalan pagdating sa bagong Social Weathers Station (SWS) survey sa pagka-senador.

“Kung gusto natin magbago ang klase ng serbisyo, baguhin na rin natin ang ating pag-iisip, baguhin natin ang pag-boboto sa mga opisyales sa gobyerno,” sambit ni Alejano.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?