23

Oct 12, 2020 @ 17:02
By

Tindig balahibo! Kobe chant dumagundong sa LA

Siguradong masaya si Kobe Bryant sa langit sa naging tribute sa kanya ng Lakers Nation.

Hindi man makalabas dahil sa COVID-19 pandemic, hindi pa rin napigilan ang mga residente ng downtown Los Angeles na ipagdiwang ang kampeonato ng LA Lakers nitong Lunes.

Sa tweet ni Armando Osuna, maririnig na napuno ng Kobe chant ang naturang lugar na nakakatindig-balahibo sa sobrang lakas.

Ang ika-17 kampeonato ng LA ay inalay nina LeBron James at Anthony Davis para kay Kobe, na nasawi sa plane crash noong Enero kasama ang kanyang anak na si Gianna.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?