54

Feb 28, 2021 @ 20:49
By

Tindero ng balut, todas sa Boracay

Patay ang isang tindero ng balut sa Barangay Yapak, Boracay Island matapos pagtatagain nitong Biyernes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Janito Descalzo.

Ayon sa ulat ng Boracay Police, nag-away ang suspek at ang 56-anyos na biktima dahil sa presyo ng balut.

Kuwento ng saksi, nakatalikod si Descalzo nang bigla siyang pinagtataga ng suspek.

Kasalukuyang nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang salarin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?