37

By

Tindera sa Iloilo, timbog sa bangus na may palaman na shabu

Sharing is caring!

Isinama bilang ebidensiya laban sa babaeng suspek ang itinitinda nitong isdang bangus kung saan umano inilagay ang drogang binili ng nagpanggap na buyer sa buy-bust operation na isinagawa sa bayan ng Pavia, Iloilo.

Ayon sa report, isa umanong high-value target ng awtoridad ang tindera matapos makabili sa kanyang tindahan ng shabu na isinilid sa bangus, Martes ng hapon.

Kasama sa inaresto ang helper na nagsisilbi umanong runner ng suspek.

Ikinasa ang operasyon matapos makatanggap ng impormasyon ang mga pulis hinggil sa paggamit ng suspek sa kanyang puwesto para sa pagbebenta ng iligal na droga.

Nakabili ng halagang P3,500 ng hinihinalang shabu na isinilid sa bangus ang isang nagpanggap na buyer.

Nasabat din sa buy-bust ang dalawang malalaki at tatlong katamtamang laki na sachet ng hinihinalang shabu.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?