40
harry-roque
Oct 17, 2017 @ 18:18

Tindeg Marawi bill, apurahin na – Roque

Para mapabilis ang rehabilitasyon sa Marawi City, iginiit ni Kabayan Rep. Harry Roque na sertipikahang urgent ni Pang. Rodrigo Duterte ang House Bills 5874 (Tindeg Marawi) at 222 (Rights of Internally Displaced Persons Act).

Ang Tindeg Marawi Bill ay naglalaan ng P10 billion bilang supplemental budget para sa pagbangon ng lungsod.

Ang IDP Rights Act naman ay naglalayong pangalagaan ang mga karapatan ng IDPs sa panahon at pagkatapos ng giyera gayundin ang panunumbalik nila, local integration o resettlement.

“After almost 150 days, the conflict in Marawi is, finally, almost at an end. I urge President to certify these two bills as urgent to help people of Marawi can get back on their feet and start building back their lives and communities once the tensions ebb,” ayon kay Roque.

Sabi ni Roque, sa pamamagitan ng dalawang nabanggit na mga panukala, mapapabilis ang pagbabalik sa normal ng pamumuhay ng mga residente sa lugar.

Binanggit ng kongresista na gagamitin ang pondo sa ilalim ng HB 5874 para sa humanitarian assistance sa mga biktima ng krisis at sa pagsasaayos ng mga nawasak na imprasktraktura, ari-arian at negosyo.

“The appropriated amount shall be released equally to the Department of National Defense (DND), the Department of Education (DepEd), the Department of Public Works and Highways (DPWH), the Department of Social Welfare and Development (DSWD), and the National Housing Authority (NHA),” paliwanag ni Roque. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?