83

Jul 6, 2019 @ 18:09
By

Tindahan ng tingi-tinging gasolina sa QC, nasunog

Natupok ang isang tindahan na nagbebenta ng mga de-boteng gasolina sa Payatas Road, Area B sa Barangay Payatas, Quezon City nitong Sabado ng umaga.

Kinailangang gumamit ang mga bumbero ng fire suppressing chemicals para maapula ang apoy na nagdulot ng pagsisikip ng daloy ng trapiko sa lugar.

Batay sa nakuhang CCTV footage, isang suspek ang nagbato ng item sa tindahan saka nagsimula ang apoy.

Posible namang kasuhan ng BFP-QC ang may-ari ng tindahan dahil iligal umano ang pagbebenta ng tingi-tinging gasolina at wala rin itong business permit.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?