322

Apr 21, 2020 @ 16:03
By

Tinawag na asymptopangit: Hiyang hiya ako sa mukha mo! – Ogie Diaz kay Jay Sonza

Pinaulanan ng batikos ni talent manager at komedyanteng si Ogie Diaz ang dating mamamahayag na si Jay Soza.

Ito’y matapos patamaan si Ogie nang tawagin siyang ‘asymptopangit’ ni Sonza.

Ayon kay Sonza, ang ‘asymptopangit’ daw ay para sa mga taong kamukha si Ogie pero hindi nila matanggap.

“asymptomatic – you know you have the virus and accepted it. asymptopangit – nagiging kamukha mo na sina PAB jover at Ogie D pero di mo pa rin matanggap,” saad ni Sonza.

Dahil dito’y gumanti si Ogie na sinasabing ginagamit lamang si ni Jay para makapagpapogi at magkaroon ng posisyon sa gobyerno.

“Kung makakadagdag pogi points ke Jay Sonza ang paggamit sa pangalan ko, go lang. Sana, ikagwapo mo at magkaroon ka na din ng pwesto sa gobyerno na matagal mo nang inaasam-asam,” sey ni Ogie.

“Pag wala pa ring nangyari, mag-suggest na lang ako sa ‘yo ng pwede mong gamiting tao, ‘yung mas sikat kesa sa akin kasi gustong-gusto kong gumwapo ka at makapwesto ka man lang, dahil awang-awa na ako sa ‘yo. Noon ka pa nagpapapansin, hanggang ngayon, waley pa rin naman,” aniya pa.

Binanatan din ni Ogie ang itsura ni Jay, na sinabing wala itong karapatan na magsabi na pangit ang isang tao.

“Pangit ba talaga ako? Kasi, kung yung itsura mo ang batayan ng kagwapuhan, eh okay na pong pangit ako. Hiyang-hiya naman ako sa mukha mong mala-porselana ang kutis. Ikaw pa talaga ang nagsabi niyan? Sa ‘yo pa talaga galing, ha? Talaga ba? Hindi nga?” patama ni Ogie.

“Si Joy Sonza wala yatang salamin sa bahay, Pahiramin nyo nga ang lolo niyo para mapagtanto niyang wala syang karapatang magsabi na pangit ang kapwa nya.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?