52

Jun 23, 2022 @ 11:15
By

Tinapay taas-presyo na rin

Tataas na rin ang presyo ng tinapay at iba pang produkto na gawa sa harina dahil sa patuloy pa rin ang panggigiyera ng Russia sa Ukraine.

Maliban sa tinapay, kasama sa mga tataas ang presyo ay ang noodles, pasta, at cake.

Ipinahayag ng Philippine Association of Flour Millers, Inc., ito ay dahil sa pagtaas ng presyo ng trigo.

Hindi pa naman binabanggit ng grupo kung kailan ang taas-presyo dahil natigil ang Ukraine sa pag-e-export ng trigo.

Ang Ukraine ay isa sa mga bansa na may pinakamataas na produksyon ng trigo.

Erik Santos bigong maging dyowa si Angeline Quinto

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?