25

Feb 6, 2018 @ 16:12
By

Tinamaan ng respiratory infection sa Albay, 4K na

Umaabot na sa mahigit apat na libo ang bilang ng mga residente sa Albay na tinamaan ng Acute Respiratory Infection (ARI) dahil sa ashfall na mula sa nag-aalburotong Bulkang Mayon.

Sa pinakahuling tala ng Department of Health (DOH), 4,204 o 65-percent ng 6,424 na kabuuang bilang ng mga nagpakonsulta ay pawang mga kaso ng ARI.

Umaabot naman sa 844 o 13-percent ang dumanas ng lagnat, habang 545 o eight percent ang naitalang kaso ng hypertension.

Ang mga tinamaan ng diarrhea ay nasa 345 o 5-percent at ang mga nagkasugat naman ay 285 o 4-percent.

Samantala, umaabot na sa P21.6 million na halaga ng logistical support ang nailabas bilang ayuda sa DOH Region 5.

Dahil sa patuloy na pag-aalburoto at pagbuga ng abo ng Mayon, patuloy ang paalala ng DOH sa mga residente na malapit sa Mayon na kung posible ay manatili na lamang sa loob ng bahay at magsuot ng protective cover gaya ng face mask.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?