21

Nov 25, 2021 @ 17:05
By

Tinamaan ng malalang side effect sa bakuna, kakarampot

Aabot umano sa 76,837 ang mga nakaranas ng adverse events following immunization (AEFI) simula nang simulan ang pagbabakuna sa Pilipinas, kung saan limang porsyento lamang sa mga ito ang maituturing na malala.

“We would just like to remind everybody we only allow vaccines to be used if we are sure the benefits outweigh the risks,” pagmamalaki ni Food and Drug Administration Director General Eric Domingo.

“Whatever adverse event might be related to a vaccine is definitely much less than the number of people getting sick and dying from COVID-19,” dugtong pa nito.

Batay sa datos, ang 76,837 na naitalang AEFI ay 0.10% lamang sa mahigit 75.6 milyong bakuna na naiturok sa bansa.

At sa mga naitalang AEFI, 3,874 lamang sa mga ito ang seryoso.

Dugtong pa ni Domingo, karaniwan sa mga AEFI ang pagtaas ng blood pressure, lagnat, at kirot sa parte ng katawan na tinurukan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?