11

Jan 13, 2021 @ 16:22
By

Tinamaan ng Covid sa ‘Pinas sumampa sa 492K

Pumalo na sa 492,700 ang mga taong nagpositibo sa coronavirus disease sa Pilipinas.

Ito ay matapos makapagtala ng 1,453 bagong COVID-19 case ang Department of Health (DOH) ngayong Miyerkoles.

Nagmula sa Quezon City ang pinakamaraming bagong kaso sa 95, sumunod ang Cavite (66), Manila (54), Davao City (50) at Cebu City (44).

24,478 naman ang active case.

Samantala, panibagong 397 namang pasyente ang gumaling habang 146 pa ang pumanaw.

Sa kasalukuyan ay 458,523 na ang nakarekober habang 9,699 ang kabuuang pumanaw sa coronavirus sa PH.

Katulad sa ulat nila kahapon, dinahilan ng DOH sa pagsirit ng mga pumanaw sa virus sa ‘Pinas ay mga nagdaang report na unang tinag bilang recovery at na-validate na lang kalaunan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: , , ,