60

Mar 20, 2020 @ 6:14
By

Tinamaan ng COVID-19 lampas 242,000 na

Dalawang buwan matapos maitala ang unang apat na kaso, umakyat na sa 242,092 ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa daigdig.

Samantala, ayon pa rin sa Johns Hopkins Center for Systems Science and Engineering ngayong alas-singko ng umaga, Marso 20, 2020, nasa 84,962 na ang gumaling habang 9,842 ang namatay mula sa naturang sakit.

Sa Pilipinas, 217 na ang nagpositibo, walo ang gumaling, at 17 ang pumanaw dahil sa COVID-19.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?