4

Aug 2, 2020 @ 14:25
By

Tinabla si Duterte! Gordon ayaw apurahin ang death penalty

Nanindigan si Senador Richard Richard Gordon na hindi ito ang tamang panahon para isulong ang death penalty at maaari rin naman aniyang hindi sumang-ayon ang mambabatas sa prayoridad na panukala ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Gordon, chairman ng Senate committee on justice and human rights, hindi dapat atupagin ang pagbuhay sa parusang kamatayan lalo’t patuloy pa ang banta ng COVID-19 sa bansa.

“Ang issue ko ay bakit mo pag-uusapan yan ngayon? Can we not disagree with the President?” pahayag ni Gordon sa panayam sa dzBB.

“We can disagree, we can set up our position na hindi ito ang priority. Ang priority, naghihirap ang tao. Ang priority, ayusin natin ang COVID-19. Ang priority, yung stimulus package,” dagdag pa nito.

Sa ikalimang State of the Nation Address (SONA) noong nagdaang linggo, nanawagan si Duterte sa Kongreso na ipasa ang death penalty bill para makatulong sa pagbaba ang kriminal at iligtas ang mga kabataan sa panganib ng paggamit ng iligal na droga.

Sa kasalukuyan, may 10 death penalty bill sa Senado ang nakabinbin sa komite ni Gordon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?