208
abante-tnt-vismin-bar
By

Times bar sa Makati bantay-sarado ng pulis

Sharing is caring!

Binabantayan na ng Makati City Police ang isang high end bar matapos mahulihan ng iba’t ibang klase ng illegal na droga sa ikinasang drug buy bust operations, kamakalawa ng umaga.

Base sa nakalap na report, iba’t ibang uri ng mga droga na tulad ng cocaine, shabu, ecstasy at mga high grade kush o pinatuyong dahon ng marijuana at mga drug paraphernalia ang nakumpiska sa loob mismo ng Times Bar na matatagpuan sa Makati Avenue, sakop ng Barangay Poblacion, Makati City.

Dinala rin sa istasyon ng Makati Police ang ilang empleyado ng bar, maging ang 57 guest foreigners at 66 Pinoy, kabilang na ang 31 mga empleyado ng Times Bar para isailalim sa beripikasyon at pagtatanong.

Sa kabila ng pag-uusisa sa mga bar guest, marami naman ang natakot dahil baka magkaroon na sila ng police record dahil sa pagdadala sa kanila sa presinto.

Habang ang ilan naman ay hindi nakapagtulungan sa pulis at hinintay na dumating ang kanilang mga abogado, base sa tweet ng kaibigan ng anak ng nakabilanggong si Sen. Leila de Lima na si Princess Leia de Lima.

Ayon kasi sa tweet hindi daw tama at mali daw ang pulis sa naganap na raid sa Times Bar at hindi dapat na dinala ang mga guest, sa presinto na wala namang ginawang kasalanan kaya nagmatigas ang ilang socialite na guest ng bar.

Batay sa report, naganap ang buy bust operation bandang 3:30 kamakalawa ng madaling araw matapos makipagtransaksyon ang mga pulis na umaktong buyer para bumili ng droga.

Nabatid na ang mga staff ng naturang bar ang mismong nagbebenta na mga illegal na droga habang todo deny naman ang manager ng bar na si Damnu Regino at sinabing wala siyang alam na nagaganap na iligal na aktibidad sa loob ng bar.

Matatandaang nakumpiska mula sa bar ang 19 piraso ng sachets na naglalaman ng 315 grams ng cocaine na nagkakahalaga ng P1,575,000, 15 piraso ng ecstasy capsules na may street value na P22,800, apat na piraso ng ecstasy tablets, isang sachet ng high grade dried marijuana leaves o kush, isang caliber .38 revolver loaded with five bullets, ilang drug paraphernalia at P22,500 marked money na ginamit sa buy-bust.

Habang kinumpiska rin ang dalawang vault na pinaniniwalaang may lamang illegal drugs na isasama sa search warrant.

Samantala, nakatakdang suriin ng Makati City hall ang Time bar kung legal ang kanilang Business and Permit Licensing permit at kailangan ding ma-inspeksyon ang naturang establisimento para sa health and sanitation permit nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?