9
views
majoy
By

Timeout sa volleyball, Majoy hataw sa rampa

Sharing is caring!

Hindi lang pang sports, pang runway beauty rin.

Rumampa ang former DLSU Lady Spikers na si Majoy Baron sa Manila Streetwear event ni Jeffrey Rogador sa SM City North EDSA.

Suot ang Manila Streetwear shirt, maong pants at white shoes, nagmukhang professional runway beauty si Majoy.

Masaya namang naging parte ng show ang 22 anyos na Majoy. Sa kanyang Instagram post, enjoy umano siya sa experience.

“Manila Streetwear @smnorthedsa. It’s always fun to walk for you @jeffreyrogador,” sabi nito.

Aktibo man sa runway, hindi pa rin lumilihis ng career si Baron. Kasalukuyang pumapalo si Baron sa Chooks to-Go Philippine Superliga para sa F2 Logistics Cargo Movers.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?