233
‘Time to prioritize safety and security first’ – Nicko Falcis
By

‘Time to prioritize safety and security first’ – Nicko Falcis

Patuloy pa rin si Nicko Falcis sa pagbabahagi sa kanyang Instagram ng mga bagay na naaalala umano niya kay Kris Aquino.

Mga bagay na ikinababahala niya raw at ng kanyang pamilya.

Ipinost nga ni Nicko sa kanyang Instagram story ang diumano ay mga ‘famous lines’ ni Kris sa kanyang ‘memory lane’.

Sa post ni Nicko, nakalagay ang tatlong linyahan na sinabi raw ni Kris, katulad ng…

“Nicko, i have so many killer friends, bine-befriend ko silang lahat,” ayon kay Nicko na dinescribe pa niya bilang ‘Queen of all death threats’ si Kris.

“Isang tawag ko lang, ayos na yan lahat,” na inilarawan naman ni Nicko bilang ‘Queen of all fixers’ si Kris.

“Nicko, how much more do we need to pay and boost to get 2.5Million followers on Facebook” na sabi pa rin Nicko na tinawag pa niyang ‘Queen of all PABoost’ si Kris.

Sa hulihan ng naturang Instagram story ay inihayag ni Falcis kung gaano raw sila nababahala sa mga death threat ni Kris sa kanila at hindi raw nila minamaliit ang bagay na iyon kahit ano pa man daw ang kalagayan ni Kris ngayon.

Nu’ng Huwebes ay lumabas ang warrant of arrest kay Nicko mula sa Taguig, ayon na rin sa ipinadalang press statement ng mga abogado ni Kris. Pero, wala nga raw si Nicko sa bahay nito.

Pero, sa IG story ni Nicko ay nakapag-post pa ito nu’ng Huwebes ng gabi na…

“Thank you everybody, I am so shocked and amazed with all the messages of prayer and support, time to prioritize safety and security first,” sabi ni Nicko na mababasa sa kanyang IG story.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?