26
jimmy-butler
Feb 16, 2018 @ 15:07

Timberwolves, nilunod ng ika-3 sunod na talo ang Lakers

Umiskor ng siyam na sunod si Jimmy Butler sa puntos ng Minnesota sa fourth quarter para tulungan ang koponan sa pag-ahon sa 119-111 pananaig kontra Los Angeles Lakers sa Minneapolis.

Ang bakbakan ng T-Wolves at Lakers ang huling laro ng NBA bago ang All-Star break.

May sinalansan namang 28 points si Taj Gibson para rin sa Minnesota.

Nanguna naman si Julius Randle para sa Los Angeles sa naibuslong team-high 23 points.

Inaalat pa rin sa panalo ang Lakers, na unang nadapa sa Dallas at New Orleans bago sinakmal ng Timberwolves.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?