28

Nov 28, 2021 @ 16:44
By

Timberwolves naisahan 76ers

Tinapos ni Taurean Prince sa isang fastbreak lay-up ang steal ng kakamping si D’Angelo Russell at naitakas ng Minnesota Timberwolves ang 121-120 panalo sa overtime kontra Philadelphia 76ers ngayong Linggo.

Lamang pa ng isa ang 76ers ngunit isang masamang pasa ang ibinigay ni Tyrese Maxey kay Joel Embiid na naagaw ni Russell, tungo sa isang lay-up ni Prince na nagbigay sa Wolves ng lamang at panalo.

Umiskor lamang ng limang puntos si Prince, bagamat siya ang nakabuslo sa pinakamahalagang basket sa naturang laban.

Nanguna naman si Russell para sa Minnesota sa kanyang 35 points at walong assists, samantalang may 28 points at 10 rebounds si Karl Anthony-Towns at nag-ambag ng 19 points si Anthony Edwards.

Nagbalik naman mula sa COVID si Embiid at binuhat ang 76ers sa kanyang 42 points at 14 rebounds. (mjd)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?