19

Jan 27, 2021 @ 17:06
By

Tim Yap nag-sorry sa pasaway na birthday party

Humingi ng paumanhin si social media personality Tim Yap sa paglabag niya at mga kasama niya sa ipinatutupad na health protocol laban sa coronavirus nang magdiwang ng kaarawan sa Baguio City at nag-viral sa social media.

“I am very, very sorry for those videos that came out where we didn’t wear our masks. There’s no excuse for not wearing your masks. We have to be at all times vigilant and take care of each other,” saad ni Yap sa panayam sa CNN Philippines kahapon.

Dagdag niya, “It is not in any of my wishes to endanger anyone.”

Noong January 17 nagpa-party si Yap sa isang hotel sa Baguio City at nag-trending dahil kumalat ang video kung saan makikitang nagsasayawan sila nang hindi nakasuot ng face mask at walang social distancing.

Katuwiran ni Yap, negatibo naman siya at mga kasama niya sa COVID-19 bago umakyat sa Baguio.

Nangyari naman aniya ang cultural dance nang maghahapunan na sila kung saan inamin niyang nadala lang sila ng sitwasyon kaya nagsayawan na rin.

Samantala, iniimbestigahan na ng Department of Tourism Cordillera Administrative Region Office kung ano ang tunay na nangyari sa party ni Yap.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?