9

By

Tim Yap, kinuyog ng Momoland fans

Sharing is caring!

Sentro ngayon ng kontrobersiya si Tim Yap matapos nitong mag-host ng Momoland’s exclusive fan meeting sa Manila nitong Lunes.

Binabatikos si Yap ng fans ng Momoland dahil sa mga naging komento nito sa kanilang mga idolo.

Sa isang video na naging viral sa Instagram, maririnig si Yap na sinabihan si Nayun ng, “Ang lakas ng imagination nito. Ano bang tinira nito?”

Negatibo ang dating nito sa Momoland fans.

Tinawag din umano ni Yap na “siraulo” si Taeha matapos sumigaw ang huli sa audience ng, “I love you!”

Matapos resbakan ng Momoland fans, naglabas na ng kanyang paumanhin si Yap sa kanyang Twitter noong Martes.

Sinabi nitong wala siyang malisya o negatibong intensiyon sa Momoland.

“I apologize for how my comments might have affected Momoland fans. In the venue, you could feel how much fun we were all having, including the members of the group. Everything that we said in English and Filipino was immediately translated to Korean. I understand that my comment could have been misconstrued when played on a short clip from all that had happened in the show, but I must let you know that there was no malice or any negative intention from my part.”

Matapos ay nangako itong babawi sa susunod niyang pagho-host.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?