By

Tim Yap di inisnab ng Hollywood actor na si Willem Dafoe

Sharing is caring!

Kinaiinggitan nang kanyang mga followings, fans at friends si Tim Yap dahil hindi lang ang pagpapakasal nito sa boyfriend na si Javi Pardo ang pinagusapan sa kanyang Instagram posts, kundi pati na ang isang magandang pagkakataong nagkaroon siya nang photo opt sa isang sikat na Hollywood actor.

Nakabalandra sa IG wall ni Tim ang selfie at photo opt nila ng award-winning actor na si Willem Dafoe na natandaan ng mga Pinoy sa unang installment ng “The Amazing Spider Man” movie.

@officialtimyap “My spider sense tells me this guy is a fantastic actor…”

Sa unang photo tanging larawan pa lang ni Tim ang nakaposte. At sa pag-swipe makikita nang may selfie ito sa nasabing Holllywood star.

Kuha ang larawan sa Polo Bar, New York City kung saan gumimik si Tim kasama ang kanyang hubby at ilang mga kaibigan.

Isa si Karen Davila sa humanga kay Tim at kay Willem.

@iamkarendavila, “Wow! And nice of him! Not a snob at all!” (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?