154

Jan 11, 2019 @ 12:37

Tim Tebow, Miss U 2017 Demi-Leigh Nel-Peters ikakasal na

Ipinahayag ng kilalang baseball player na si Tim Tebow sa kaniyang Instagram post noong Martes ang labis na kaligayahan matapos na tanggapin ng kaniyang girlfriend na si Miss Universe 2017 Demi-Leigh Nel-Peters ang kaniyang wedding proposal.

“Thank you for saying YES and making me the happiest man in the world. You’re the love of my life and I can’t wait to spend the rest of my life with you.” saad nito sa caption.

Nag post rin siya ng kanilang Instagram photo na kung saan siya ay nakaluhod na nag-propose.

Ang engagement ring ni Demi Leigh Nel-Peters ay 7.25 carat solitaire na inihalintulad ni Tebow sa kanyang magiging asawa dahil aniya ito ay ‘internally flawless’.

Sinabi ni Tebow sa huli bahagi ng kanyang proposal na si Demi Leigh Nel-Peters ang hinahanap ng kanyang puso at sobra ang kanyang pagmamahal kaya lahat ng pamilya, kaibigan at iba pang taong malapit sa dalawa ay na-eexcite sa kanilang nalalapit na kasal.

(Kate Salazar)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?