48

Feb 19, 2020 @ 16:47
By

Tim Cone tikom sa isyu ni Slaughter

Ayaw pa magsalita ni Barangay Ginebra coach Tim Cone ukol sa biglaang pagpapahinga ni Greg Slaughter sa PBA.

Naghihintay ang media sa practice ng Ginebra nitong Miyerkoles para makapanayam si Cone, ngunit pinaalam ni team manager Reyboy Rodriguez na hindi ito magpapaunlak ng interview sa mga reporter.

Nitong Miyerkoles ay sinagawa na ang unang ensayo ng Ginebra matapos magwagi sa PBA Governors’ Cup kontra Meralco noong nakaraang buwan.

Hindi na nasilayan si Slaughter sa practice, na base sa mga naunang report ay pumunta sa Amerika matapos ianunsyo ang hiatus sa PBA.

Matatandaan na sinabi ni Cone na kanyang kakausapin si Slaughter at susubukang kumbinsihin na bumalik sa Ginebra.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?