50

Jun 22, 2022 @ 16:11
By

Tim Cone swak bilang assistant coach ng Miami Heat

Pang-NBA summer league na rin ang bagsik ni coach Tim Cone matapos siyang imbitahan ng Miami Heat na maging assistant coach para sa naturang liga.

“I’ve been invited to work with the Heat for their Summer League team which starts in San Francisco to Vegas. The bottomline is I’ll be an assistant coach to their head coach which is Malik Allen. He will coach the Summer League team. Erik Spoelstra doesn’t involve himself in the Summer League,” saad ni Cone sa panayam ni Paolo del Rosario.

Dahil ito, mawawala si Cone sa mga laro ng Ginebra simula Hulyo 1. Hahalili sa kanya ang assistant coach na si Richard Del Rosario.

Bukod kay Cone, nasa NBA Summer League din bilang assistant coach si Jimmy Alapag. Si ‘Mighty Mouse’ naman ay parte ng Sacramento Kings.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?