284

By

Tim Cone pinaka-cute! Baby version ng mga Ginebra player, coach

Dahil sa nausong filter sa Snapchat, lumabas ang mga cute na mini-me version ng ilang PBA star.

Sa Instagram, napagkatuwaan ni Mark Caguioa ang kanilang mga picture na ginawang baby version.

Unang-una si “The Spark”, na nagmistulang bagets kahit may balbas.

Maging sina LA Tenorio, Scottie Thompson, Aljon Mariano at Joe Devance ay may mga baby version din.

Hindi rin nakatakas ang kanilang coach na si Tim Cone na maraming nagkomentong siya umano ang pinaka-cute sa lahat.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?