19

Oct 30, 2020 @ 21:57
By

Tim Cone nangamba sa triple header bawat araw

Pahinga sa ngayon ang lahat ng nasa PBA bubble, ngunit tingin ni Ginebra head coach Tim Cone ay pagbalik ng mga laro ay mas kakayod pa ang bawat koponan.

Nitong Biyernes ay sinuspende ng PBA ang kanilang mga laro base sa rekumendasyon ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease.

Ito’y para makagawa ng bagong protocol matapos na magkaroon ng dalawang suspected COVID-19 case sa loob ng bubble.

Ayon naman kay Cone, ang break ay makatutulong para maipahinga ng mga player ang kanilang katawan.

Ngunit nangangamba na baka mas dumami pa ang laro nila sa bawat linggo sa posibilidad na gawing tatlo kada araw ang maging remedyo sa pag-adjust ng schedule.

“Probably, more triple headers also, guys playing at 2 o’clock in the afternoon, then at 4 p.m. or 6 p.m. That wouldn’t be too bad either, but it’s going to tighten the schedule no doubt,” lahad ni Cone.

Double header ang mga laro sa PBA bago ihinto ang mga laban sa bubble.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?