142

By

Tim Cone hindi kilala ni Pia Wurtzbach

Nagkita ang isa sa pinakasikat na PBA coach na si Tim Cone at Miss Universe 2015 na si Pia Wurtzbach sa season opener ng PBA nitong Linggo.

Ngunit kahit tumayong muse para sa koponan ni Cone na Barangay Ginebra si Pia, hindi umano nito kilala ang PBA winningest coach ayon mismo sa una.

Sa naging tweet ng sportswriter na si Camille Naredo, inilahad ni Cone na walang malay si Pia kung sino siya, ngunit para sa coach, okay lang ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?