49

Jan 20, 2020 @ 15:48
By

Tim Cone ayaw nang ‘maligo’

Tumatanda na si coach Tim Cone, sabi niya.

Sa 62 years old noong Dec. 14? Hindi pa, coach!

Pero sa dami ng championship showers na naranasan ng two-time grand slam coach, ayaw na niyang magpakabasa.

Nang dumating ang pang-22 ni Cone nitong Biyernes, Enero 17, umiwas sa basaan ang winningest coach ng PBA.

Sa halip na tumuloy sa dugout ng Ginebra sa MOA Arena tapos ang bagsakan ng confetti sa court, sa media room tumuloy si Cone.

“I’m too old to get wet, I’m gonna get sick,” natatawa rin niyang pahayag.

Tinumba ng Ginebra ang Meralco sa limang laro, huli 105-93, para bawiin ang season-ending Governors’ Cup crown.

Malakas ang aircon sa MOA, pero sa intensidad ng laro at sa nakataya ay pawisan sa sidelines ang tactician.

Pangalawang balik ‘yun ni Cone sa interview room. Pagtunog ng final buzzer tapos makipagkamay kay coach Norman Black at sa Bolts ay pumasok na siya para humarap sa sportswriters. Bumalik siya sa court nang ia-award na ang trophy.

Mahirap na nga, baka magkasakit pa.

“I’m already sick, might get sicker,” panapos na pahayag ni Cone. “So, better and safer dito (sa media room).”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?