22

By

Tilapia ng ‘Pinas mahirap ibenta – BFAR

Sharing is caring!

Sagana sa tilapia ang bansa, ngunit mas sikat pa rin sa mga Filipino ang galunggong.

Ito ang sinabi ni Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Dir. Eduardo Gongona kaya kailangan ay maghanap ng mga mapapagbentahan ng ‘tilpin’ o tilapiang Pilipino.

Aniya maraming bansa ang may produksyon din ng tilapia kaya mahirap ibenta sa labas ng Pilipinas ang lokal na tilapia.

Inihalimbawa nito ang US, na mas gustong mag-angkat ng tilapia sa South America dahil mas mura ngunit pagdidiiin ni Gongona mas malinamnam ang tilpin.

Pinansin din nito na maliiit din ang lokal na tilapia kumpara sa tilapia ng ibang bansa.

Samantala, sinabi ni Reynaldo Ebora, acting executive director ng Department of Science and Technology – Council for Agriculture, Aquatic and Natural Resources Research and Development may tatlong uri ng tilapia sa bansa, ang Freshwater Aquaculture Selected Tilapia (FAST), ang Genetically Improved Farmed Tilapia (GIFT) at ang Genetically Enhanced Tilapia.

Kaya’t aniya kung isasabak sa pandaigdigang pamilihan ang lokal na tilapia, hindi na kailangan na baguhin pa ito dahil ang tilpin ay export quality na.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?