157

Jun 23, 2020 @ 22:39

Tilapia, hipon virus `di nakahahawa – BFAR

Walang outbreak ng sakit na tumama sa mga tilapia at hipon sa ngayon, ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Inihayag ito ng BFAR kaugnay ng napabalitang fish kill sa Taal Lake at Laguna de Bay kung saan sinabi ng ahensya na dahil ito sa kaunti lamang ang oxygen sa lawa na sinisi nito sa biglang pagpapalit-palit ng panahon.

Sabi ng BFAR, hindi nakahahawa sa tao ang sinasabing sakit na tumama sa mga tilapia at hipon na tinatawag na White Spot Syndrome Virus, Acute Hepatopancreatic Necrosis Disease o Early Mortality Syndrome at ang Tilapia Lake Virus.

Sabi pa ng BFAR, mahigpit nitong ipinatutupad ang Fisheries Order No. 100 at Fisheries Order No. 241 na nagbabawal sa pagbiyahe ng mga fingerling ng tilapia at hipon kung walang health certificate. (Eileen Mencias)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?