10

Oct 12, 2020 @ 10:03
By

Tila immune na ako sa COVID – Trump

Dineklara ni US President Donald Trump na “immune” na siya mula sa COVID-19, kahit hindi pa kinukumpirma kung nagnegatibo na siya sa nasabing nakahahawang sakit.

Imposibleng mapatunayan ang pahayag ng pangulo.

“Yes, [I no longer have COVID], and not only that: It seems like I’m immune… It looks like I’m immune for, I don’t know, maybe a long time, maybe a short time, it could be a lifetime. Nobody really knows, but I’m immune,” sambit ni Trump sa panayam sa Fox News.

“The president is in very good shape to fight the battles,” aniya pa.

Kasunod ito ng memo ng doktor ni Trump na si Dr. Sean Conley na sinasabing wala na umanong ebidensya na kayang manghawa ni Trump ng naturang sakit.

May mga nakatakdang campaign rally si Trump ngayong linggo kahit pa maraming bumabatikos dahil wala pa siyang dalawang linggong nasa quarantine matapos maging COVID-19-positive.

Batay sa pag-aaral ng Centers for Disease Control and Prevention, ang mga taong tinamaan ng mild o severe case ng COVID-19 ay pwedeng makahawa ng abot sa 20 araw, at inaabisuhan na mag-isolate sa naturang panahon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?