352

Nov 23, 2021 @ 15:30
By

TikToker hagulgol sa nalunok na AirPod

Isang babae ang viral sa TikTok kung saan isiniwalat niya ang kahihiyang nalunok niya ang kanyang Apple AirPod sa pag-aakalang ibuprofen ito.

Ayon sa New York Post report, nalunok nang buo ni Carli Bellmer, taga-Boston, ang kanyang AirPod pero nai-tae rin ito.

“So like, I ate my f–king left AirPod,” sambit ni Bellmer, 27, na may 5,042 followers sa TikTok (@IamCarliiib).

Hawak daw niya ang ibuprofen 800 sa isa niyang kamay habang sa kabila ang isa niyang AirPod.

Huli na nang mapagtanto niyang hindi ibuprofen ang nalunok niya at sinubukan itong isuka pero nabigo.

“I tired puking it and it won’t come out, and I’m f–king losing my mind,” aniya.

Sa follow-up post, sinabi niyang sa isinagawang X-ray examination sa kanya nakumpirma na nai-tae na niya ang AirPod.

Mayroon nang mahigit 2.4 milyong views ang naturang video.

@iamcarliiib

For ✨educational✨ purposes heres what happened when I mixed up my #airpod and an ibuprofen. Here to share awareness #LevisMusicProject #fyp

♬ Oh No – Kreepa

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?