10

Mar 4, 2021 @ 23:22
By

TikTok star Angela Ken sinungkit ng Star Magic

Bahagi na ng ABS-CBN ang isa sa mga sikat sa TikTok na si Angela Ken.

Nadiskubre si Ken nang mag-viral sa TikTok ang hindi pa tapos na kanta niyang “Ako Naman Muna”.

Umabot sa mahigit isang milyon ang likes ng video at maraming netizen ang nagre-request kay Ken na kumpletuhin ang kanta.

Personal siyang kinontak ni ABS-CBN Music Creative Director Jonathan Manalo at inalok ng recording at management deals, sabi sa report ng Kapamilya Network.

Dahil dito, nakatakda nang i-release ang full studio version ng kanyang kanta sa March 5.

Pumirma ng kontrata ang taga-Imus, Cavite na si Ken, 18, noong Martes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?