115

Jul 15, 2019 @ 16:11
By

TikTok dominado ang Facebook sa Vietnam

Namamayagpag ang app na TikTok sa Vietnam at natabunan na ang social media giant na Facebook.

Ang TikTok ay isang app para sa paggawa at pag-share ng mga short video na mula 15 hanggang 60 segundo ang haba.

Inilunsad ito ng Beijing-based na ByteDance noong 2017.

Ikatlo ito sa most downloaded app sa unang bahagi ng 2019, ayon sa United States-based market research firm na Sensor Tower.

Ang Vietnam sa Southeast Asian market ang may pinakamaraming gumagamit ng TikTok na umabot na sa 12 million regular users.

Ayon kay Trinh Thi Khanh Ngoc, isang college student sa Hanoi, mas buhay na buhay kasi umano ang mga video sa TikTok at mas entertaining sa mga kabataan kaysa ibang social media platform gaya ng FB at Instagram.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?