1,030

Mar 31, 2020 @ 23:57
By

TikTok dance ng Pinay, napansin ni Justin Bieber

Nakapukaw ng pansin ni Justin Bieber ang pagsasayaw ng isang Pinay sa TikTok.

Noong March 26, 2020, ni-repost ito ni Bieber sa kanyang Instagram account.

Makikita si Jamina Cruz habang sinasayaw ang kanta ni Bieber na “Come Around Me”.

Batay sa kanyang Instagram account, 20-anyos na interior design student si Jamina.

Habang sinusulat ito nitong March 31 ay mahigit 2.2 million views na ang TikTok dance ni Jamina na naka-post sa IG ni Bieber.

View this post on Instagram

A post shared by Justin Bieber (@justinbieber) on

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?