147

By

Tikas ni Rivero sa UP, walang saysay sa DLSU

Sharing is caring!

Wala talagang makakapigil sa galing ng batang basketbolistang si Ricci Rivero.

Pero sa dalawang sunod na laban ng DLSU Green Archers at UP Fighting Maroons, walang panama ang kagalingan ni Rivero sa loob ng basketball court.

Nagtala man ng 27 points si Rivero, nasa kamay pa rin ng Green Archers ang huling halakhak nang maiuwi ng DLSU ang 73-69 win, Lunes ng hapon sa 2018 Milcu Sports Basketball sa Buddha Care Gym sa Quezon City.

Buwan ng Mayo nang magdesisyon si Rivero na lumipat mula La Salle patungong UP.

Sa first two games niya sa Green Archers, nakapagtala si Rivero ng average 30.5 points sa 50% shooting na may 4.5 steals, 3.5 rebounds, 3 assists at 3.5 turnovers. Gayunman, sa kanyang paglipat, kailangang mas patunayan ni Rivero na kaya niyang ihatid sa kampeonato ang Maroons.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?