By

Tigresses ayaw bumigay

Sharing is caring!

Humaba pa ang season ng UST sa UAAP 80 women’s basketball matapos salagin ang UE 63-53 sa stepladder semis para makapuwersa ng do-or-die.

Sa Mall of Asia Arena kahapon, nagsumite si Anjel Anies ng 21 points, nakipaglaro sa triple-double si Jem Angeles sa kinamadang 12 points, 11 rebounds at eight assists para sa Tigresses.

Pangalawang do-or-die match na itong naitatawid ng UST, unang nilaktawan ang No. 3 EU sa first stepladder match noong Linggo.

“We survived two do-or-die games and I hope the girls will pull through on Saturday,” ani Tigres­ses coach Haydee Ong.

Umayuda pa ng 12 points at nine boards si Sai Larosa para sa mga taga-España.

Lumayo ng hanggang 31-13 ang UST bago ang break, nagawang manindak sa 59-53 ang Lady Warriors bago tumukod sa dulo.

Pinangunahan ng 14 points, seven rebounds, three assists at three steals ni Love Sto. Domingo ang twice-to-beat UE.

Hinihintay ng four-peat seeking NU ang mananalo para harapin sa best-of-three finals umpisa sa Miyerkoles. (Elech Dawa)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?