53

Jan 6, 2022 @ 12:59
By

Tigre sinakmal 3 empleyado sa Safari park

Inatake ng isang tigre ang tatlong manggagawa sa isang safari park sa Tokyo, Japan.

Ayon sa operator ng parke, nangyari ang insidente bandang alas-8:30 ng umaga nitong Miyerkoles sa Nasu Safari Park sa Tochigi Prefecture.

Naghahanda umano ang mga manggagawa para sa operasyon sa araw na iyon, sinikap umano ng mga tagapag-alaga na palabasin ang hayop sa loob ng hawla nito patungo sa isang kulungan sa labas sa pamamagitan ng pagbubukas ng ilang pinto.

Karaniwan umanong hindi pumapasok ang mga ito sa kulungan ng mga hayop, ngunit sa araw na iyon, sira ang pintuan sa hawla kaya kinailangan ng isang tagapag-alaga na pumasok para mabuksan ito.

Dito na inatake ng isang 10 taong gulang na lalaking Bengal tigre, na 3 metro ang haba at tumitimbang ng 150 kilo, ang mga manggagawa sa nasabing parke.

Agad namang isinugod ng mga awtoridad sa ospital ang tatlo.

Dahil sa insidente, nagpagpasyahan ng operator ng safari park na isara muna ang pasyalan para sa araw na iyon. (Sherrylou Nemis)

‘Best of Sportalakan’ Sabong edition

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?