13

Oct 14, 2021 @ 15:59
By

Tigre ginamit pang gender reveal sa Dubai

Kakaibang gender reveal ang ginawa ng isang couple sa Dubai nang gumamit pa sila ng tigre para iputok ang lobo na magbubunyag ng kasarian ng kanilang paparating na sanggol.

Kumakalat na online, partikular sa TikTok at Instagram, ang video ng isang tigre habang nasa isang beach.

https://www.instagram.com/p/CUzi_p2Liv5/?utm_source=ig_embed&utm_campaign=embed_video_watch_again

Dito ay may isang malaking itim na lobo na inilapit sa tigre upang tumalon ang hayop at paputukin ito gamit ang pangil o matatalas na kuko.

Maayos namang naputok ng tigre ang lobo, ngunit ‘di natuwa ang ilang netizen.

“I’m sickened by the mentality of the people who think this is ok,” pahayag ng isang Instagram user.

“This isn’t something to be proud of. These animals are not pets,” saad pa ng isa.

Nakasaad umano sa batas sa Dubai na may parusa sa mga magdadala sa isang wild animal sa pampublikong lugar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?