189
ABANTE jv ejercito pederalismo
By

Tigilan niyo na ang JV-Jinggoy rivalry! – Ejercito

Naimbyerna na si Senador JV Ejercito sa pagsasabong sa kanila ni dating Senador Jinggoy Estrada, kapatid niya sa ama.

Sa kanyang Twitter account, sinabi ni Ejercito na mas dapat pag-usapan ang mga nagawa niyang panukalang batas kaysa sa bangaan nilang magkapatid.

“Sa halip na pag-usapan ang mga naisabatas na landmark bills, talagang pilit pinalalaki at ginagawang isyu ang away magkapatid. Ano ba ang mas makakatulong sa buhay ng Pilipino, ang Universal Healthcare o ang JV-Jinggoy rivalry?” bulalas ni Ejercito.

“Minsan nakakapagod na magtrabaho tatabunan lang,” dagdag niya.

Si Ejercito, na sumapi sa Nationalist People’s Coalition noong nakaraang linggo, ay kandidato para muli sa pagka-senador.

Inakda niya ang Universal Health Care Bill at Department of Human Settlements Bill.

Gusto namang magbalik-Senado ni Estrada at sinamahan itong maghain ng kandidatura ng kanilang ama na si dating Manila Mayor Erap Estrada.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?